skip to content

[VIDEO EDITORIAL] Press Freedom Day: Pakikipagsabwatan ang manahimik

[VIDEO EDITORIAL] Press Freedom Day: Pakikipagsabwatan ang manahimik

Ngayong Araw ng Kalayaang Mamahayag, simple lang ang hiling naming mga journalist: Pabayaan ninyo kaming gawin ang aming trabaho

Bakit ginugunita sa buong mundo ang World Press Freedom Day?

Ito’y paalala sa mga gobyerno sa buong mundo na igalang ang pangako nilang itaguyod ang press freedom.

Pero sa mga bansang tulad ng Pilipinas kung saan tinatarget ang midya, ito’y araw ng muling panunumpa sa isang delikadong propesyon.

Sa isang survey ng Social Weather Stations noong Hulyo 2020, karamihan ng mga Pilipino ay naniniwalang “delikado” ang “maglathala o magbrodkast” ng “kahit na anong kritikal” kay Presidente Rodrigo Duterte “kahit na totoo.”

Si Maria Ressa, chief executive officer ng Rappler, ay nakatanggap ng 10 arrest warrants sa loob ng halos dalawang taon. (BASAHIN: Fighting the virus of lies)

Ang pinakamalaking network sa bansa, ang ABS-CBN, ay ipinatigil ang pagsasahimpapawid sa free TV dahil may kinikimkim na galit si Pangulong Duterte at mga kaalyado niya laban sa reporting ng istasyon.

Ang editor ng Manila Today na si Lady Ann Salem ay inaresto at ikinulong noong Human Rights Day 2020 sa bisa ng umano’y itinanim na ebidensya.

Ang Tacloban journalist na si Frenchie May Cumpio ay mahigit isang taon nang nakakulong.

Ang mga mamamahayag na sina Rowena Paraan at Inday Varona ay maya’t-mayang nirered-tag, binabato ng fake news, pinagbabantaan ang buhay, at pinipintasan ang pisikal na anyo.

Sa report na “The Chilling,” sinabi ni Julie Posetti ng International Center for Journalists na may “impunity” ang mga umaatake online sa mga babaeng journalist. Pinag-aralan din niya ang kaso ni Ressa at nang iba’t ibang babaeng mamamahayag sa buong mundo.

Ayon sa report, 20% ng mga babaeng journalist ay nakaranas din ng atake sa tunay na buhay.

Kailangan namin ng suporta ng mga taong nagmamahal sa kalayaan. Lalong kailangan ng suporta ng mga kapatid namin sa hanapbuhay na nasa probinsya at hindi nabibigyan ng publisidad.

Nais naming ulitin ang mensahe ni Ressa sa United Nations. Sabi niya, “Silence is complicity.” Pakikipagsabwatan ang manahimik. – Rappler.com

Facebook
Twitter
LinkedIn
Pinterest
Author picture
About the Foundation
Logo
Preda Foundation Inc.

The work of Preda Foundation is focused on alleviating the physical, emotional, psychological and sexual abuse and suffering of children and preventing abuse through community education and social media.

Share this post
Facebook
Pinterest
WhatsApp
LinkedIn
Twitter