Sa loob ng 2011-2016, nakapagtala ang Department of Social Welfare and Development ng 400 hanggang 500 kaso ng incest rape kada taon. Sa datos ng ahensya, 99 porsiyento ng mga biktima ay mga babae na nasa edad 14-17.
Tunghayan sa episode na ito ng programang “Reel Time” ang paglalahad ng ilang biktima sa sinapit nilang mapait na karanasan sa sarili nilang kadugo. Tulad ng 36-anyos na si “Anna,” ‘di niya tunay na pangalan, siyam na taong-gulang lang siya nang molestiyahin siya ng kaniyang ama at, tuluyang inabuso pagsapit niya ng 13-anyos.
Sa paglipas ng panahon na nagkaedad na siya, inakala niyang nalilimutan na niya ang lahat pero isang araw, bumalik ang lahat sa kaniyang alaala na nagdulot sa kaniya ng matinding depresyon. Bakit nga ba ito nangyari at papaano matutulungan ang mga biktima? Panoorin.
Alamin din kung bakit may ilang ina na pinipiling manahimik na lang kahit alam nila ang pang-aabusong ginagawa ng kanilang asawa o ka-live in sa kanilang anak. Gaya ng nangyari kay “Liza”, ‘di niya tunay na pangalan, 15-anyos nang abusuhin ng kaniyang ama.
–FRJ, GMA News